Baguio City, Philippines
"Bagyo sa Baguio"
Malapit naman na mag August at "Linggo na ng Wika" kaya mananangalog nako ok??? Isa pa, gusto ko mashare ng ayos ang bitterness ko sa bakasyong ito... So eto na nga... Last week pagkagaling namin ni kiko sa La Union eh dumiretso kami ng Baguio. Di na kami ngdalawang isip kasi libre naman ang shuttle papuntang Veniz Hotel mula sa Thunderbird Resorts. Kasabay namin yung mga patron nilang sugalero sa casino dun sa van. Alam na naming may LPA na namumuo pero di namin alam na pag dating sa Baguio eh kasabay din namin dadating si "Ferding". Oh well ang saya ng byahe, ang lakas ng ulan! Sasabayan pa ni manong driver ng pagovertake sa zigzag na daan habang ang hamog eh halos lamunin kami. Grabe para kaming may libreng roller coaster ride sa likod dahil halos tumilapon kami sa bawat pagliko ni manong na di man lang magslow down! Mas nastress ako sa byaheng ito kahit isang oras lang sya kumpara sa pitong oras naming byahe sa bus papuntang La Union! Ayos!
Bumaba kami mismo sa Hotel. Hmm maayos naman sya para sa 1500Php. Di mo sya pwede ikumpara sa isang 5star Hotel dahil malaki ang kaibahan pero pwede na magpahinga lalo pa at umuulan pa din sa labas at nakakatamad maglakad. Buti na lang at may Mcdo sa 2nd Flr ng bldg! Thank you Lord!!!
Etong si kiko, hindi mapakali. Sya kasi ang nagbayad kaya ayaw nya masayang ang lahat. Kaya ayun, kesehodang bumabagyo eh kinaladkad ako para maglakad sa labas! Ang kagandahan sa tinuluyan namin eh malapit sa mga pasyalan at kainan, as in walking distance lang...
Nagsimba muna kami sa Our Lady of Lourdes at dumaan sa napakahabang hagdan, na may ibang daan naman pla...
Hanggang Baguio, sa Sm pa din ang punta! At ang mga tao nakakaloka kahit bumabagyo eh nakadress up pa din. Kaya kami ni kiko nagmukang yagit dahil nakatsinelas lang kami! Kung alam ko lang sana binaon ko ang trench coat at aking boots with the furrrr! =P
Dahil malapit lang kami sa market, namili na kami ng mga pasalubong. Ang hirap tumawad ha! Pero in fairness honest mga tindera dito, nagtanong ako asan kami makakabili ng taho kasi umuulan, tapos sabi ni ate "wag kana bumili non hindi naman masarap un!"... ah ganon ba teh, sige yung mga bbq at isaw na lang sa burnham park.. " Aysus, wag kayo bibili don, madumi yown!" Dahil sa honesty niya, sa kanya kami namili...
Dumidilim na... Ayoko na maglakad dahil sobrang lamig... at oras na para kumain... =))
Cafe by the Ruins ang on the way na Restaurant pabalik sa Veniz so dito na kami nagdinner. Ang cozy ng place parang ruins talaga haha at nakakatakot dahil ang lakas ng hangin at t-a-g-o-s sa loob! Lol! =) Kidding aside, very pinoy ang ambiance parang kubo na tinubuan ng kainan...
Kamote Bread and Herb Cheese 80Php
Best seller daw nila ito with the spread, ewan ko kung bakit, para saken masarap pa yung tinapay namin sa bakery! Pero yung Cheese spread masarap, mas ok siguro sa pesto pandesal...
Chicken Molo Soup 180Php
Pagdating pa lang ng Baguio gusto ko na humigop ng mainit sa sabaw. Kaya ito ang inorder ko, tamang tama sa bumabagyong panahon! Yung Kamote bread sinawsaw ko dito, pwede! =)
Chicken Arrozcaldo with Tofu 180Php
O san ka pa? Sa Baguio pa talaga dumayo para lang kumain ng Lugaw!haha! May katabangan lang po pero yung tofu ok kasi nifry nila na may breading. Naengganyo kasi sa mga naglulugaw sa daan! Ayan tuloy.. =P
Sana nag O' Mai Khan na lang kami o kaya Pizza Volante... T_T
Pagbalik sa Hotel, sinabayan pa ng pagkatalo ng Brgy. Ginebra...
Perfect talaga...
But wait, there's more! This time pambawi naman... Masarap talaga gumising pag alam mong kakain ka na lang.. Salamat sa Veniz at meron kaming breakfast buffet na nagaantay sa amin.
Kumpleto ang salad bar at napaka fresh ng mga gulay! 3 ang dressing nila, Pesto, Thousand Island, and Tuna. Sabi ni kiko pagganyan, put a little of everything daw. Naweirdohan ako nung una pero pwede pala! yung next refill ko di ko na sinama ung tuna.
Unang plate namin ni kiko. Yung crispy bacon namin sa Thunderbird Resort napalitan ng crispy daing!haha! Pero masarap! Gusto ko nga magkamay kaso nakakahiya, tapos mas ok para saken kung garlic fried rice ang kasama. Pwede pala gawing lumpiang shanghai ang tofu? Kung di kasi sinabi saken ni kiko na tofu yun eh hindi ko malalaman!
Second Plate with Vigan Longganisa! Very authentic, perfect sa sukang Iloko.
Ang Tower Pancake ni kiko! Ok naman sya, lasang pancake =P. May kasama dapat yan pandesal kaso sinunog ni kiko sa oven. Naglagay ulit kami ng pandesal, pagbalik namin may nagnakaw naman! Ay nako, yung pancake na lang ang nilagyan ko ng strawberry jam!
Dahil nakakain kami ng maayos may energy na kami maglibot-libot ulit. Kaso yung panahon ang mukang walang energy at sige pa din ang ulan! Wala na kami pakielam at nagpicture picture kami sa gitna ng ulan.. Try niyo, exciting siya promise, habang pinagtitinginan kayo ng mga tao! haha!
Oras na para umuwi... Nagtaxi lang kami papuntang Victory Liner at 50pesos. Pamasahe namin pauwi 445pesos each. Ok na sana eh, matatanggap ko ng binagyo kami.. kung bakit pagbaba ng Baguio... UMARAW BIGLA! T_T